Search
Close this search box.

Joint Venture ng CENECO at NEPC inaasahang solusyon sa power outages sa Negros Occidental

KUMPIYANSA ang Central Negros Electric Cooperative o CENECO na malulunasan na ang problema sa power outages sa Negros Occidental sa sandaling magtakeover ang bagong power corporation.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Senador Grace Poe, sinabi ni Atty Arnel Lapore, general manager ng CENECO na sa kasalukuyan ay patuloy ang pagtaas ng kanilang pagkalugi habang nagpapatuloy din ang pagdagdag ng demand sa kuryente dahil sa lumalakas na ekonomiya.

Ipinaliwanag ni Lapore na ang nakikita nilang sagot sa problema ng CENECO ay ang joint venture sa Negros Electric and Power Corp o NEPC na handang maglagak ng P2.1 billion para sa mga imprastraktura at pasilidad sa sandaling mag-takeover sila.

Kung magpapatuloy anya ang kasalukuyan nilang sitwasyon ay magiging malaki itong hamon sa kooperatiba habang patuloy silang nalulubog sa pagkalugi at bababa ang kalidad ng kanilang serbisyo.

Kasabay nito, tiniyak ni Lapore na hindi madedehado ang mga empleyado ng CENECO sa pagtakeover ng NEPC dahil bibigyan sila ng magandang separation packages.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ni NEPC President Roel Castro na bibigyan nila ng prayoridad sa hiring ang mga empleyado ng CENECO at katunayan nasa 250 nang manggagawa nito ang nag-apply sa kanila.

Sa pagharap sa pagdinig ng Senado para sa kanilang prangkisa, tiniayk din ni Castro ang pagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga consumer ng Negros lalo pa’t dumarami ang mga negosyo sa lalawigan.

Mapapatunayan na rin naman anya nila ang maganda nilang serbisyo sa matagumpay nilang pagseserbisyo sa Iloilo kung saan naibaba nila ang presyo ng kuryente.

Sa panig ng mga consumer, sinabi ni Wennie Sancho, secretary general ng Power Watch Negros Advocates na malaking bagay kung mabubuhusan na ng investment ang CENECO dahil ang kanilang mga equipment tulad ng transformer ay may 30-40 taon na.

Ito anya ang dahilan kaya madalas na rin ang brownout bunsod ng bumibigay nang mga kagamitan ng CENECO.

Kaya naman nananawagan siya sa Kongreso na agad nang aprubahan ang prangkisa ng NEPC upang matapos na ang paghihirap ng mga residente, mga negosyante at mga turista sa Negros.

Related Stories
Central Weekly
  • Business
  • Culture
  • Entertainment
  • Featured
  • Global
  • News
  • Science & Tech
  • Sponsored
  • Sports
  • Uncategorized